September 27, 2025 | News by PISD

Dahil sa matinding epekto ng bagyong #OpongPH, apat (4) na sasakyang pandagat ang napadpad at tuluyang sumadsad sa baybayin ng Barangay Tabinay at Poblacion sa bayan ng Puerto Galera noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, ika-26 ng Setyembre.
Kaagad namang kumilos ang Philippine Coast Guard (PCG) upang siguruhin ang kaligtasan ng mga crew at sakay nito. Ayon sa ulat ng PCG, walang anumang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.
Samantala, bandang 2:00 ng hapon ngayong ika-27 ng Setyembre ay sinimulan nang hilahin ng PCG ang Barge Big Glory papalayo sa pampang gamit ang tugboat upang maibalik ito sa malalim na bahagi ng karagatan at tuluyang makaalis sa lugar.
Para sa buong detalye ng ulat ng PCG Southern Tagalog ukol dito, i-click lamang ang link na ito: https://www.facebook.com/share/1FqLAyfDfH/
Source: https://www.facebook.com/orminpio/videos/25428777530043347
