MGA KASUNDALUHAN NG 203RD INFANTRY BRIGADE, KAAGAPAY NG PAMAYANAN SA GITNA NG BAGYONG OMPONG

September 27, 2025 | News by 203rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Brigade, Philippine Army

Oriental Mindoro — Sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ompong na nagdulot ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan, muling pinatunayan ng mga kasundaluhan ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade, Philippine Army, ang kanilang malasakit at kahandaang maglingkod sa sambayanan.

Agad na rumesponde ang tropa ng 203rd Brigade katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maisagawa ang mabilis na rescue, relief at clearing operations sa mga komunidad na labis na naapektuhan. Tumulong ang mga sundalo sa pagpapalikas ng mga pamilyang nasalanta, paghatid ng agarang tulong gaya ng pagkain, malinis na tubig, at pangunahing pangangailangan, gayundin sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng road clearing at retrieval operations ang mga tropa upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at maibalik ang normal na daloy ng trapiko at suplay ng ayuda sa mga apektadong lugar. Ang kanilang mabilis na pagkilos ay nagbigay ng malaking ginhawa at pag-asa sa mga pamilyang tinamaan ng kalamidad.

Ayon kay BGEN MELENCIO W RAGUDO PA, Commander ng 203rd Infantry Brigade, Ang aming mga kasundaluhan ay patuloy na magiging kaagapay ng ating mga kababayan sa anumang hamon—mapa-kalamidad man o usapin ng kapayapaan. Ang pagtulong sa panahon ng sakuna ay hindi lamang tungkulin kundi isang pribilehiyo upang maipadama ang malasakit at serbisyo ng inyong Philippine Army.

Muling ipinakita ng 203rd Infantry Brigade ang diwa ng Bantay Kapayapaan —hindi lamang sa larangan ng seguridad, kundi lalo’t higit sa pagbibigay ng tulong at pag-asa sa mga Pilipinong nangangailangan sa oras ng kagipitan.

#1stexemplarscompany

#alwaysfirstbattalion

#68thinfantry

#4thinfantry

#76thInfantryVICTRIXBattalion

#JungleFighter

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02zkaZCW854BL6spzq6QK9AZCN7iwjCpQZxWSLCsqS3sSpToFbJPqsCpQSPELVxCeWl?rdid=S2dNw6bNbY9Ao7hD#

Scroll to Top