Pamahalaang Panlalawigan, Nakaalerto sa EOC para sa Mabilis na Pagtugon sa Epekto ng #OpongPH

September 26, 2025 | News by PISD

Patuloy ang mahigpit na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Emergency Operations Center (EOC) ng Oriental Mindoro upang matiyak ang mabilis, maayos at epektibong pagtugon sa anumang ulat na natatanggap nila mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan ukol sa pananalasa ng bagyong #OpongPH.

Nakahanda ang grupo anumang oras upang tumugon sa tawag ng tungkulin.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02FvbVJpgBHmkgkmmN3LkqCCk1DrYy6BDVcTdFRnn5Ni2yZYYjH3Ufq5YyTwsVjkcXl?rdid=BthzDa1kd7I6nzfu#

Scroll to Top