September 26, 2025 | News by PISD

Muli po nating pinapaalalahanan ang mga residenteng malapit sa tabing-dagat na posibleng magkaroon ng storm surge sa mga baybaying dagat sa lalawigan dahil sa lakas ng Severe Tropical Storm #OpongPH.
Sa inilabas na storm surge warning ng DOST-PAGASA ngayong ika-26 ng Setyembre (8:00 am), ilan sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ang maaaring makaranas nito kabilang ang mga mga bayan ng Baco, Bansud, Bongabong, Bulalacao, Gloria, Mansalay, Naujan, Pinamalayan, Puerto Galera, Pola, Roxas, San Teodoro at Lungsod ng Calapan.
Pinapayuhan ang mga residente na magsagawa ng pre-emptive evacuation upang masigurong ligtas sa mga oras na nananalasa ang bagyo sa ating lugar.
Muli, ingat po tayong lahat at umantabay sa mga mahahalagang anunsyo.
