September 26, 2025 | News by Bulalacao Municipal Police Station

Patuloy ang rescue operations na isinasagawa ng Bulalacao MPS sa pamumuno ni PMAJ ARIES-JOI M ADORIO, ACOP, katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Lumelito M. Cabagay, kasama ang MDRRMO, Coast Guard, BFP Bulalacao, at 4th IB, 2ID PA sa mga lugar ng Cawakat at Cambunang, Bulalacao, Oriental Mindoro, dulot ng pananalasa ng Bagyong OPONG.
Sa gitna ng unos, iisa ang ating layunin—ang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Bulalacaonon.
Manatiling alerto at makipag-ugnayan sa awtoridad para sa agarang tulong.
