π—¦π—˜π—žπ—§π—’π—₯ π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—¨π—¦π—¨π—šπ—”π—‘, 𝗣π—₯𝗒-π—”π—–π—§π—œπ—©π—˜ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—§π—¨π—šπ—’π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—‘π—šπ—”π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π— π—šπ—” π—Ÿπ—’π—žπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—£π—”π— π—”π—›π—”π—Ÿπ—”π—”π—‘

September 26, 2025 | News by PISD

Hindi na kailangang hintayin pa ang epekto ng kalamidad bago kumilos. Ito ang panuntunan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Agarang kumilos ang Provincial Health Office (PHO), sa pangunguna PHO II Dr Cielo Angela Ante, upang tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng mga MindoreΓ±o sa pamamagitan ng organisado at maingat na pagpa-pack ng mga gamot at essential medical supplies na kaagad na ipamamahagi sa mga Local Government Units (LGUs) sa buong lalawigan.

Sa ganitong proactive initiative, tinitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan ang agarang paghahatid ng serbisyong medikal sa mga maaapektuhan ng bagyong Opong.

https://www.facebook.com/share/p/166KC5sc3G

#thecapitolnews#OpongPH

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02rUi99ypMoNsNAmEfEfwtnPYEJAJzVcz1jLUc2CnZ51m6W9ZkbbhbVNfLCaRZh3Pml?rdid=3eooA7KqFm95xxbd#

Scroll to Top