September 26, 2025 | News by PISD

Sa kasagsagan ng Bagyong Opong, napatunayan ang kahalagahan at pagiging kapaki-pakinabang ng Sectoral Buildings, isa sa mga pangunahing proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng administrayon ni Gobernador Humerlito A. Dolor.
Sa kasalukuyan, tumatayong pansamantalang tuluyan ang pasilidad para sa 89 na stranded na indibidwal mula sa ibaβt-ibang bayan ng Oriental Mindoro at lalawigan ng Iloilo. Ang Sectoral Buldings ay itinayo upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga MindoreΓ±o na may mga transaksyon sa Calapan at karatig-bayan. Subalit sa mga panahong tulad ngayon, napatunayan ang kahalagahan nito sa larangan ng serbisyo publiko at disaster response.
Ang proyektong ito ay malinaw na halimbawa ng serbisyong may foresight at malasakit, na hindi lamang nakatuon sa pang-araw-araw na serbisyo kundi handang tumugon sa biglaang pangyayari katulad ng mga kalamidad.
Patuloy namang inaalalayan ng PGOM, sa pamamagitan ng grupo ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na pinamumunuan ni PSWD Officer Zarah C. Magboo, katuwang ang ibaβt ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, upang matiyak ang maayos at ligtas na pananatili ng mga pansamantalang nanunuluyan dito.
Ang tanging pakiusap sa mga indibidwal o mga grupong mapahihintulutang gumamit ng pasilidad, ingatan sana ito at gamitin nang maayos upang mas marami pang mga nangangailangang mamamayan ang makinabang dito.
