September 26, 2025 | News by PISD

Nagsasagawa ngayon ng pre-emptive evacuation ang MDRRMO Naujan sa mga residente ng Barangay Estrella na nakatira sa tabing-dagat dahil sa nauna nang abiso ng DOST-PAGASA na posibleng magkaroon ng storm surge sa mga baybaying dagat ng lalawigan dulot ng bagyong #OpongPH.
Dinala ang mga pamilyang lumikas sa Mega Evacuation Center sa Barangay Santiago upang masigurong ligtas ang mga ito.
Samantala, patuloy din ang pagkilos ng iba pang MDRRMO sa bawat bayan sa pagsiguro sa kaligtasan ng kanilang mga kababayan.
Mag-ingat po tayong lahat.
