REPACKING NG FOOD PACKS, PINANGUNAHAN NG PSWDO BILANG PAGHAHANDA SA BAGYONG OPONG

September 25, 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng mas maagap na paghahanda, agad nagsagawa ng repacking ng family food packs ang mga tauhan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pamumuno ni PSWD Officer Zarah C. Magboo. Katuwang dito ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Philippine Coast Guard (PCG).

Ang naturang food packs ay bahagi ng pre-positioned goods na ihahanda bago pa man maramdaman ang epekto ng Bagyong Opong, upang masigurong may agarang tulong na maibibigay sa mga pamilyang maaapektuhan.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa naging direktiba ni Governor Bonz Dolor bilang pagtugon sa inaasahang epekto ng bagyo at paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan bago pa man tumama ang naturang kalamidad.

Samantala, maging ang DSWD – MIMAROPA ay ikinasa na rin ang kanilang disaster relief operations bilang paghahanda sa epekto ng inaasahang matinding banta ng Bagyong “Opong” sa limang lalawigan ng rehiyon. Naglaan ang ahensya ng mahigit Php111 milyong pondo bilang agarang tulong sa mga maaaring maapektuhan ng bagyo.

📸 PSWDO /G.B

https://www.facebook.com/share/p/1A5NHPLPCU

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid025puFKv2rSghGzt2eepgie5RiawdxjrjouLNbD9HgCe5FM9af1iPtUa4wnnRcP6BRl?rdid=rWsMxsOIDRr46pam#

Scroll to Top