September 25, 2025 | News by PISD

Asahan ang malalakas na pag-ulan bukas, ika-26 ng Setyembre, bandang tanghali hanggang sa araw ng Sabado, 27 Setyembre 2025 ayon sa weather bulletin na inilabas ng DOST-PAGASA as of 11:00 am.
Kung makikita sa larawan, nasa red zone ang isla ng Mindoro kung kaya’t posible ang pagkakaroon ng mga pagbaha sa mga mabababang lugar at ang mga karaniwan nang binabaha tuwing panahon na may bagyo.
Pinapakiusapan ang lahat ng mga residenteng naninirahan malapit sa ilog, palaging binabahang lugar at mga malapit sa landslide prone area na magsagawa na ng pre-emptive evacuation para sa inyong kaligtasan.
Ingat po tayong lahat mga kababayan.
SOURCE: DOST-PAGASA
