September 25, 2025 | News by Ops Div Pdrrmo Ormin

Sakop na ng malawak at makapal na kaulapan mula sa bagyong #OpongPH (#BUALOI) ang halos buong #EasternVisayas na nakararanas na ng malalakas na mga pag-ulan at bugso ng hangin na dala ng papalapit na sentro ng bagyo.
Inaasahang bukas ng magdaling araw ay magaganap na ang unang landfall nito sa bahagi ng #EasternSamar o #NorthernSamar bilang TYPHOON Category at sunod na tutumbukin ang #BicolRegion.
Patuloy na pinag-iingat ang lahat sa banta ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa na kaakibat ng direktang epekto ng bagyo.
— PWS/PSU
