#WalangPasok

September 24, 2025 | News by PISD

Para sa kaligtasan ng lahat sa inaasahang epekto ng Bagyong #OpongPH, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Oriental Mindoro sa araw ng Biyernes, ika- 26 ng Setyembre 2025. Kasama rin dito ang mga tanggapan ng pamahalaan, maliban sa mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo sa panahon ng kalamidad.

Para naman sa mga pribadong sektor, nakadepende sa desisyon ng kanilang pamunuan ang pagkansela ng pasok.

Hinihikayat ang lahat ng MindoreΓ±o na manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at patuloy na sumubaybay lamang sa mga opisyal na anunsyo ng PAGASA at ng Pamahalaang Panlalawigan.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0BMm9UaLsRdp83q39c3Rtp8mCPtYnKmTGmY1RNEPEwDK1gooD8dDjY4CuiJChZGRAl?rdid=8jfG5CK5UY2VGkZu#

Scroll to Top