September 24, 2025 | News by PISD

Isinasagawa ngayon sa Tamaraw Hall, Provincial Capitol Complex ang ikatlong quarterly meeting ng Provincial Nutrition Committee (PNC) sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Nutrition Action Officer Dr. Cielo Angela A. Ante at PNC Chairperson Representative Chief of Staff Nette DC Dalupan.
Dumalo sa naturang pagpupulong ang mga Municipal Nutrition Action Officer, NNC, PDOHO, PHO at mga BNS President mula sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan.
Layunin ng pulong na mailatag at maibahagi ng bawat bayan ang kani-kanilang plano ukol sa programang pangnutrisyon, gayundin ang kasalukuyang estado ng mga ipinatutupad na programa para sa kalusugan at nutrisyon sa lalawigan.
Ang gawain ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan upang higit na mapabuti ang estado ng nutrisyon sa buong Oriental Mindoro.
Photos: PHO Oriental Mindoro
