September 24, 2025 | News by PISD

Ayon sa Storm Surge Warning na inilabas ng DOST-PAGASA ngayong ika- 24 ng Setyembre (8:00 pm), kabilang ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa pinangangambahang makaranas nito sa pagtawid ng bagyong #OpongPH sa ating mga coastal barangay.
Posibleng dumaan ito sa lalawigan sa gabi ng Biyernes hanggang Sabado ng madaling araw kung kaya’t pinapayuhang lumikas ang mga nasa baybaying dagat hangga’t hindi pa tumatama ang bagyo upang maiwasan ang anumang sakunang maaaring idulot nito.
: DOST-PAGASA
