๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ, ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜€; ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด #๐—ข๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฃ๐—› ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป

September 24, 2025 | News by PISD

Isa ang lalawigan ng Oriental Mindoro sa maaaring direktang tamaan ng bagyong #OpongPH, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa darating na Biyernes – Sabado, 26-27 Setyembre 2025. Ito ang kinumpirma sa espesyal na pagpupulong na ipinatawag ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor bilang Chairperson ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kung saan inilatag ang mga kinakailangang hakbangin upang masigurong handa ang lalawigan sa pagdating ng bagyo.

Sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) – Scenario Building na isinagawa, mula sa White status, isinailalim na sa Red Status ang Emergency Operations Center (EOC) ng lalawigan ng Oriental Mindoro upang maisagawa ang lahat ng mga kinakailangang paghahanda para sa paparating na bagyo.

Unang mararamdaman ang bagyo sa lalawigan sa araw ng Biyernes, ika-26 ng Setyembre kung saan posibleng makaranas ng malakas na pag-ulan hanggang sa Sabado, ika-27 ng Setyembre, ayon kay Calapan PAGASA Station Officer Edmundo M. Muning. Aniya pa sa kanyang ulat, maaari pang mabago ang direksyon ng bagyo – maaaring tumaas o bumaba. Gayunpaman, kasama pa rin sa maaapektuhan ang lalawigan ng Oriental Mindoro kahit mabago ang direksyon nito.

Inalam naman ni Gobernador Dolor ang lagay ng panahon sa bawat bayan sa pamamagitan ng mga Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Officers ng bawat bayan.

Bilang paghahanda, mahigpit ang tagubilin ni Gobernador Dolor sa lahat ng MDRRMOs na magsagawa na ng pre-emptive evacuation para sa mga residente na palaging binabaha tuwing may mga ganitong uri ng kalamidad upang masiguro ang kanilang kaligtasan at hindi mahirapang lumikas sa mismong kasagsagan ng bagyo.

Sa pagpupulong, inilatag din ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol ang mga pangunahing provincial likely scenarios na kinakailangang ikunsidera sa mga paghahanda para sa mga posibleng epekto ng bagyo, kabilang na rito ang posibilidad na maisailalim ang lalawigan sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4.

Base sa magiging pagtaya ng PAGASA, nakatakda ring ipatupad ang No Sailing Policy sa lahat ng pantalan sa lalawigan para sa mga bangka at iba pang sasakyang pandagat upang maiwasan ang anumang sakunang maaaaring idulot ng bagyo. Epektibo ito hanggang sa makaalis ang bagyo.

Isiniguro naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroong ipapagamit na emergency telecommunications equipment ang kanilang tanggapan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sakaling magkaroon ng problema sa paghahatid ng real-time updates sa mga kaganapan sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan.

Sa kabuuan, tiniyak ni Gobernador Dolor at ng buong PDRRMC na nakahanda ang Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang mga bayan at lungsod, at lahat ng mga konsernadong ahensya ng Pamahalaan upang agarang tumugon at masiguro ang kaligtasan ng bawat Mindoreรฑo. Hinihikayat ang lahat ng residente na manatiling mapagmatyag, makinig at magbasa lamang sa mga opisyal na abiso mula sa mga lehitimong Facebook pages ng bawat MDRRMO, Munisipyo, Pamahalaang Panlalawigan at mga ahensya ng pamahalaan, at makipagtulungan sa mga kinauukulan para sa sama-samang pagharap sa epekto ng bagyong #OpongPH.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0GRRmqYpqp3KWnMVzDC7rxzbLGwxjQx8x5XircdGdcg9K45QxRy4yY2HnaE5jAVBul?rdid=8BieKzE6ZZX6I6Lm#

Scroll to Top