𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀

September 24, 2025 | News by PISD

Mga Ka-Agri, isang malakas na bagyo ang inaasahang tatama sa ating rehiyon sa mga susunod na araw. Narito ang ilan sa mga paalala upang mabawasan ang pinsala at maprotektahan ang inyong ani at kabuhayan:

1. Agad na anihin ang mga hinog at maaari nang iluwas na pananim bago dumating ang masamang panahon.

2. Ilipat at itali sa ligtas na lugar ang mga alagang hayop upang maiwasan ang pagkakasugat o pagkamatay.

3. I-secure ang mga gamit sa sakahan tulad ng pataba, binhi, at kagamitan upang hindi matangay ng malakas na hangin o baha.

4. Linisin at buksan ang mga kanal at daluyan ng tubig upang makaiwas sa pagbaha sa inyong sakahan.

5. Makinig at sumunod sa abiso ng inyong LGU at mga kaukulang ahensya upang maging ligtas at handa sa anumang emergency.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02EyE4E52Sc8vdJ1e4kEYyAsoNLxinFexgFA6XA76cij9T7FnAcZkrFEqZK6jATi5nl?rdid=VAMwkUnAFu4OSLcC#

Scroll to Top