September 23, 2025 | News by PISD

Nananawagan si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor sa Senado at Kongreso ng Pilipinas na muling suriin at ituon sa mas mahahalaga at pangmatagalang pangangailangan ng mga Pilipino ang nakalaang Php. 46 billion proposed budget para sa 2026 flood control projects na nakaplanong ilipat para sa dalawang social amelioration programs ng gobyerno: ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD); at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Naniniwala ang Gobernador na konkretong serbisyo na may pangmatagalang epekto ang higit na makatutulong sa mga mamamayan kumpara sa mga pansamantalang programa at ayuda.
Ayon sa Gobernador, higit na mapakikinabangan ang pondo ng nakararaming mamamayan, at magbibigay ng solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng iba’t ibang sektor tulad ng edukasyon, pangkalusugan, pangkaligtasan, at agrikultura:
KALUSUGAN – mga karagdagang kagamitan sa mga pampublikong ospital, mga gamot, at pondo para sa Zero Billing Program
EDUKASYON – karagdagang silid-aralan, mga upuan, at mga libro sa paaralan.
AGRIKULTURA – rice processing program, fertilizers, at government subsidy sa iba’t ibang agricultural inputs para sa mga magsasaka.
PABAHAY – para sa mga mamamayang nasa lugar na laging may banta ng panganib tuwing may kalamidad
