๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ญ๐—ข ๐—™๐—œ๐—ฆ๐—› ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—–๐—ง๐—จ๐—”๐—ฅ๐—ฌ, ๐—œ๐—ง๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—š๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—•๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—ฌ ๐— ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—˜๐—— ๐— ๐—ฃ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—˜๐—Ÿ ๐— ๐—”๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

September 23, 2025 | News by PISD

Sa ikatlong pagkakataon, muling ginawaran ang Ranzo Fish Sanctuary (RFS) bilang Best Locally Managed Marine Protected Area (MPA) sa buong bansa sa prestihiyosong Para El Mar Awards 2025 na ginanap sa Zuri Hotel sa lalawigan ng Iloilo nitong nakaraang Setyembre 18.

Ang naturang pagkilala ay iginawad ng Marine Protected Area Support Network (MSN) katuwang ang Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) sa mga MPA na nagpamalas ng epektibong pamamahala, konserbasyon, at aktibong partisipasyon ng komunidad sa pangangalaga ng karagatan at likas na yaman.

Matatandaang kinilala ang RFS dahil sa mahusay nitong pamamalakad, masigasig na pakikiisa ng kanilang pamayanan, at matagumpay na pagpapatupad ng mga hakbang sa pangangalaga ng yamang-dagat. Pinangunahan ito ng Samahan ni Mangingisda ng Ranzo Chairperson, RFS Management Council President at Bantay-Dagat Team Leader Roberto Roxas kasama ang 34 pang mga indibidwal na aktibong nagsusulong ng mga programang pangkalikasan at disiplina sa pangingisda. Kaakibat nito ang mga pangunahing inisyatibong ipinatutupad ng kanilang samahan, kabilang ang fishing bans sa mga breeding areas, maintenance ng boya maker, coral reef rehabilitation, mangrove planting, at regular na coastal clean-up drives.

Bilang bahagi rin ng kanilang adbokasiya, nagsasagawa ang kanilang samahan ng mga alternatibong livelihood program para sa mga mag-aaral na anak ng pamilyang mangingisda at ang patuloy na environmental education activity bilang kampanya upang mapalawak ang kaalaman ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa karagatan. Nagtataguyod din sila ng mga proyekto tulad ng Ranzo Water Improvement at ang nakaplanong pagtatayo ng water refilling station para sa kapakanan ng kanilang mga ka-barangay.

Magkatuwang naman itong sinusuportahan ng Malampaya Foundation, Municipal Agriculture Office (MAO) ng LGU Pinamalayan at Pamahalaang Panlalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO).

Inaasahan na ang ganitong uri ng pagkilala ay magsilbing inspirasyon hindi lamang sa Ranzo Fish Sanctuary kundi pati sa iba pang Marine Protected Areas sa lalawigan, sa patuloy na pangalagaan at proteksyunan ang ating kapaligiran at likas na yaman.

แด˜ส€แดแด ษชษดแด„ษชแด€สŸ แด€ษขส€ษชแด„แดœสŸแด›แดœส€ษช๊œฑแด› แด๊œฐ๊œฐษชแด„แด‡ (แด˜แด€ษขแด)

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02QoXBEQFYZ7u1qGeVm1139mP1TTbhAfQGVe11ACjRu3iAyTDgP7fbYRNd2msXUjGtl?rdid=QdeSDbYuTXHdvrTp#

Scroll to Top