โ‚ฑ๐Ÿฑ๐Ÿฐ.๐Ÿณ๐—  ๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜†๐˜€๐˜๐—ฒ๐—บ, ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐˜‚๐—ท๐—ฎ๐—ป

September 23, 2025 | News by PISD

23 Setyembre 2025, Naujan – Tinatayang dalawa (2) hanggang tatlong (3) toneladang palay o katumbas ng 40 hanggang 60 sako kada oras ang kayang iproseso at gawing de-kalidad na bigas ng bagong bukas na Rice Processing System (RPS) II sa Barangay Andres Ylagan sa bayan ng Naujan.

Ang proyektong ito ay nagkakahalagang Php. 54.7M na kung saan mahigit sa 7,000 magsasaka ang lubos na makikinabang dito.

Magkatuwang na pinangunahan ni PhilMech Director IV Dr. Dionisio G. Alvindia at Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor ang ceremonial switch-on ng RPS II.

Ang proyekto ay bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong itaguyod ang makabagong teknolohiya sa produksyon at post-production ng bigas sa bansa.

Itinuturing itong state-of-the-art na pasilidad dahil sa moderno, episyente at mataas na kalidad ng teknolohiyang nagpapatakbo dito. Mayroon itong recirculating dryer na kayang magtuyo ng mga nabasang palay upang hindi masayang at maiwasan ang pagbaba ng presyo nito lalo na sa panahon ng kalamidad. Bukod dito, mayroon din itong multi-stage rice mill na kayang magproseso ng palay at gawing de-kalidad na bigas na handa para sa merkado. Mayroon din itong mahahalagang bahagi tulad ng pre-cleaner, de-stoner, huller, mist polisher, length grader, color sorter, rice hull bin, dust collection system, blending tank at awtomatikong packing machine na nagpapabilis ng paglalagay ng bigas sa sako.

Isa ang bayan ng Naujan sa may pinakamalaking lupang sakahan sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro na mayroong 15,671.30 ektaryang taniman ng palay kung kayaโ€™t dito itinayo ang bago at modernong pasilidad na ito.

Ayon kay Gobernador Dolor, hindi na napapanahon ang masyadong matrabahong pagproseso ng bigas. Aniya pa, ito na ang kinakailangan sa panahon ngayon upang mapataas ang produksyon ng mga agrikultural na produkto at mapababa ang gastos.

Pinasalamatan naman ni Gob. Dolor si DA Secretary Franscisco P Tiu Laurel Jr. para sa malaking biyayang ito sa bayan ng Naujan at maging sa lalawigan.

Ang mga katulad nitong proyekto ay simbolo ng progreso at patuloy na pagsuporta at pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga dakilang magsasaka ng bansa.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0ef6Cp68WmTRA4jNAPKFVM82jC1LfLFyQpTfd5i4dRXWDjiRYEhGLZ681Jm9PLYGzl?rdid=01UXmbhh0qD9clx5#

Scroll to Top