๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด, ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—ผ – ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ญ๐—œ๐—œ๐—ฃ

September 21, 2025 | News by PISD

Nakuha ng Technical Working Group ng Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP) ang buong suporta ng lokal na pamahalaan ng Bongabong, Mansalay at Bulalacao.

Ito ang tatlong (3) huling bayan sa Ikalawang Distrito na kanilang binisita noong ika-19 ng Setyembre bilang bahagi ng layunin ng programa na higit pang mapalakas ang ugnayan ng Local Government Units (LGUs) at Pamahalaang Panlalawigan upang sama-samang isulong ang pagpapataas ng antas ng karunungan sa hanay ng mga katutubo sa Oriental Mindoro.

Itinuturing ng ZIIP TWG na isang malaking bagay ang nakuha nilang suporta mula sa mga bayan na kanilang binisita sa pagsasakatuparan ng layunin ng ZIIP na itaas ang literacy at numeracy skills ng mga katutubo.

Ayon kay Mansalay Municipal Administrator Alexis A. Diama, malaking katulungan ang programang ito sa mga katutubong naiiwan sa larangan ng edukasyon. Gayundin sa mga katutubong nakatapos ng kolehiyo ngunit wala pa ring maayos na trabaho dahil sa ibinibigay ng programa na empleyo para sa mga ito. Aniya pa, ito rin ay kumukumplemento sa kanilang adhikain at adbokasiya na alalayan ang mga katutubo lalong higit sa larangan ng edukasyon upang mapabuti ang kalidad ng kanilang buhay at kabuhayan.

Kasabay nito, inendorso na rin ng ZIIP TWG ang Government Internship Program (GIP) Interns at Para-teachers sa tatlong nabanggit na bayan.

Samantala, nagsagawa rin ng inisyal na monitoring ang grupo sa GIP Interns at Para-teachers upang matukoy kung maayos na naipatutupad ang programa at malaman ang sitwasyon sa kanilang pamayanan. Inalam din ng grupo ang mga nararanasang hamon ng mga Para-teachers sa pagtuturo sa kanilang mga kapwa katutubo upang mapag-aralan ng mga ito ang mga epektibong hakbang na maaaring gawin at isaalang-alang sa pagpapatuloy ng implementasyon ng ZIIP.

Ang patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng ZIIP ay magbibigay daan sa mas maraming oportunidad para sa mga katutubo sa lalawigan at higit na magpapalakas sa adhikain ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor na tiyaking walang maiiwang katutubo na hindi marunong sumulat, bumasa at magkwenta.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0WgUcgpiJ2vSsA44imXuDnpejmgdXXtgGNWQMDTYUZT9qy4JiMzUegUR2Z7jxy4WSl?rdid=pnSFwxuwFA1YTilh#

Scroll to Top