PGOM, nagbigay-parangal sa mga katuwang sa pagpapaunlad ng turismo sa Oriental Mindoro sa ginanap na Local Tourism Stakeholders Excellence Awards

September 20, 2025 | News by PISD

Isang gabi ng pasasalamat at pagkilala ang inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) sa pangunguna ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor katuwang ang Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Dr. Dhon Stepherson V. Calda sa mga naging matibay na katuwang ng PGOM sa pagsusulong ng mas masigla at kaaya-ayang turismo sa Oriental Mindoro.

Sa pamamagitan ng Local Tourism Stakeholders Excellence Awards, kinilala ang may 15 indibidwal, grupo at institusyon na nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagpapalakas at pagpapaunlad ng turismo ng ating mahal na lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0amnoXDkZP1VN3aVLm4Rjdc5ahf8ekNafcGCVHamPrh8KUDdJnUTawTnFEm4865dol?rdid=xs16yCe7D4syxQ1e#

Scroll to Top