๐Ÿญ๐Ÿด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ฑ๐˜„๐—ฎ๐—น, ๐—ด๐—ฟ๐˜‚๐—ฝ๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด, ๐—ธ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

September 20, 2025 | News by PISD

Labingwalong (18) mga indibidwal, grupo, at institusyon ng sining, kultura at turismo sa lalawigan ang pinarangalan sa Gabi ng Pagkilala 2025 na ginanap sa Jolly Waves Water Park and Resort, Sapul, Lungsod ng Calapan noong ika-19 ng Setyembre.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) sa pamumuno ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office na panangasiwaan ni Provincial Tourism Officer Dr. Dhon Stepherson Calda, ang gawain kasabay ng pagdiriwang ng Tourism Month ngayong Setyembre.

Sa bisa ng Provincial Ordinance No. 139-2022 na kilala bilang Provincial Tourism Code of Oriental Mindoro, layunin ng programa na kilalanin at bigyang-parangal ang mga indibidwal, grupo, at institusyon na may mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng sining, kultura, at turismo sa lalawigan.

Dito, iginawad ang mga parangal para sa Gawad Pamana sa Sining at Kultura (GPSK), at Local Tourism Stakeholders Excellence Award (LTSEA) na binubuo ng dalawang kategorya: Government Sector at Private Sector.

Para sa larangan ng GPSK 2025 na itinalaga sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 150-2023, siyam na finalists mula sa ibaโ€™t ibang bayan ng probinsya ang naglaban-laban kung saan tatlo lamang ang tinanghal bilang GPSK 2025 Awardees na nag-uwi ng tropeyo at Php 75,000.00.

Kinilala bilang ๐—š๐—ฃ๐—ฆ๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฒ๐˜€ sina:

โ–ช๏ธ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ โ€œ๐——๐—ถ๐˜๐˜๐—ฎโ€ ๐—ฅ. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฐ๐—ผ๐—ป ( mula sa Bulalacao) – isang applied visual artist at fashion designer;

โ–ช๏ธ๐—ก๐—ฎ๐˜†๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—•. ๐—จ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด (isang katutubong Mangyan mula sa bayan ng Mansalay) – kinilala bilang ina ng sining ng paghahabi sa kanilang komunidad; at

โ–ช๏ธ๐—–๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—”. ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป (miyembro ng Alangan Mangyan sa Naujan) – kinilala sa kaniyang mga ipinamalas na katutubong sayaw at awit na nagpapakita ng tradisyon at kultura ng kanilang komunidad.

Samantala, 15 tourism leaders naman mula sa pamahalaang nasyunal at lokal, gayundin mula sa mga pribadong sektor ang pinarangalan bilang LTSEA 2025 Awardees na nag-uwi ng tropeyo at Php 40, 000.00.

Para sa ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐˜†, pinarangalan sina:

โ–ช๏ธ๐—๐—ฒ๐˜‡๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—น ๐— . ๐—•๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐˜ (mula sa Municipal Tourism Office ng Pinamalayan) – Local Tourism Officer Worker Awardee;

โ–ช๏ธDepartment of Trade and Industry (DTI) ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐——๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—”๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐—น ๐—˜. ๐—›๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—น๐—น๐—ฎ – Development Manager Awardee;

โ–ช๏ธ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐—ข. ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ng Provincial Cooperative Development Office – Community Organizer Awardee;

โ–ช๏ธ๐—ฆ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ป๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐— . ๐—จ๐˜† ng Department of Tourism – Hospitality Trainer Awardee; at

โ–ช๏ธ๐—๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ ๐—ฌ. ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐˜†, Licenser Officer III ng Lokal na Pamahalaan ng Naujan bilang Business Licensing Officer Awardee.

Pinarangalan din para sa ๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐˜† sina:

โ–ช๏ธ๐—”๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐—ป ๐—•. ๐——๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฐ๐˜†๐—ฎ๐—ฐ (may-ari ng John and Ann Travel Resort) – Travel and Tour Operator Awardee;

โ–ช๏ธ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ฆ. ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฒรฑ๐—ฎ (isang DOT-accredited tour guide sa Puerto Galera) – Tour Guide Awardee;

โ–ช๏ธ๐—•๐—ฎ๐—ฏ๐˜† ๐—ฃ. ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด (isang resort staff lead ng Tambaron Green Beach Resort) – Resort and Hotel Staff Awardee;

โ–ช๏ธ๐——๐—ฒ๐˜…๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—๐—ผ๐—ต๐—ป ๐—•. ๐— ๐—ฎ๐˜‡๐—ผ๐—ป (may-ari ng Nanay Goyaโ€™s Restaurant) – Restaurant Owner Awardee;

โ–ช๏ธ๐—ก๐—ฒ๐—น๐˜€๐—ผ๐—ป ๐—•. ๐—š๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ (Gabutero Organic Farm) – Farm Tourism Site Operator Awardee;

โ–ช๏ธ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—™. ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ (mula sa Samahan ng Mangingisda at Magsasaka ng Pocanil sa bayan ng Bulalacao) – Community-Based Site Manager;

โ–ช๏ธ๐——๐—ฎ๐—ฟ๐˜„๐—ถ๐—ป ๐— . ๐—•๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ(ang nasa likod ng Byahe ni Dar) – Travel Influencer Awardee;

โ–ช๏ธ๐—ฃ๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—š. ๐—ฆ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฑ, ๐—๐—ฟ. (mula sa Puerto Galera Transport Service Cooperative) – Transpport Provider Awardee;

โ–ช๏ธ๐—ฅ๐—ฒ๐˜†๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฑ๐—ผ โ€œ๐—ฃ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ ๐—ง๐—ฒโ€ ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป (kinatawan ng Manggagawang Mangyan Alangan) – Souvenir and Handicraft Maker Awardee; at

โ–ช๏ธ๐—ฅ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ ๐—•. ๐——๐—ฒ ๐—š๐˜‚๐˜‡๐—บ๐—ฎ๐—ป (isang guro sa Mindoro State University-Bongabong Campus) – Academic and Training Officer Awardee.

Bukod sa plake ng pagkilala, nag-uwi rin ng Php 21,000.00 ang finalists ng GPSK Award, at Php 10,000.00 naman ang finalists ng LTSEA.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Gobernador ang kanyang pasasalamat sa mga natatanging tagapagtaguyod ng sining at kultura sa lalawigan, at kanyang kinilala ang kanilang malaking kontribusyon bilang katuwang ng PGOM sa patuloy na pagpapaunlad ng turismo at ekonomiya ng lalawigan.

Ibinahagi rin ng Gobernador ang kanyang inilalatag na โ€œOne town, One legacyโ€ project, na itinitiyak niyang higit pang makakatulong sa pagpapalawig ng mga programa para sa mas ikaaangat ng turismo sa lalawigan.

Samantala, naging katuwang ng Gobernador sa pagpaparangal sina Vice-Governor Antonio CA “Jojo” Perez, Jr, First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Bokal Farrah Fay Ilano-Navarro, Bokal Jean Paulo Umali, at Governorโ€™s Office Chief of Staff Maria Nenita D. Dalupan.

Naging tampok din sa programa ang pagtatanghal ng Banda Kawayan ng Puerto Galera National High School at MUNHI Himig Kwerdas Rondalla. Gayundin, nagkaroon ng Mini Trade Fair upang ipakilala ang mga lokal na produkto ng Oriental Mindoro.

Ang prestihiyosong programang ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Fiesta Mahal Tana: The 75th Araw ng Oriental Mindoro.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0GLJ7iVddrdBiVrwGto19DWk959v51CyYry7rf4EVJmkMypUG9F2xAh2mhDeLvoMdl?rdid=UowJu7CTaMhz3fkm#

Scroll to Top