Malacañang, nagdeklara ng half-day work suspension sa Setyembre 22 para sa paggunita ng ika-33 National Family Week

September 19, 2025 | News by PISD

Inanunsyo ng Malacañang ang pagsuspinde ng trabaho sa mga opisina ng Executive branch ng gobyerno sa araw ng Lunes, ika-22 ng Setyembre 2025, simula 1:00PM bilang paggunita sa ika-33 National Family Week.

Ito ay ayon sa inaprubahang Memorandum Circular No. 96 ng Malacañang sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong ika-19 ng Setyembre.

Samantala, magpapatuloy naman sa kanilang operasyon ang mga tanggapan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo at pangangailangan sa mga mamamayan.

Source: https://pco.gov.ph/news…/memorandum-circular-no-96-s-2025/

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid04jZXe4Tw6iwQakF15hpB9wNEkfAbYJkbfDLuW7Cdequ7EzNsQWNYQcWH6AxLhuQRl?rdid=kWn9juX0CSW8Y3KD#

Scroll to Top