September 18, 2025 | News by Orminpeso

Mabuhay MaHal TaNa!
Ang aming opisina ay nagsagawa ng Ocular Inspection ng mga Rooms na gagamitin para sa darating na Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) ngayong darating na Linggo, Septyembre 21, 2025.
Kasama ang Oriental Mindoro National High School (OMNHS), sa pangunguna ng kanilang Assistant Principal Hestia Arellano at Professional Regulation Commission (PRC) Satellite Office – MIMAROPA, sa pangunguna naman ni PRC Officer Arvin Lunar.
Ginagawa ang ganitong inspection para masiguro na maayos ang mga pasilidad na gagamitin at makakapagfocus ng ayos ang mga Examinees sa mismong araw ng exam.
Wag kakalimutan magtingin sa PRC FB page/website para malaman ang inyong room assignments at alamin din ang needed document/s para sa mismong Examination.
Good luck, future LPTs!
