September 18, 2025 | News by PISD

Ang mga kawayan ay itinuturing na “๐ด๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป ๐ด๐ผ๐น๐ฑ” na tunay na simbolo ng tibay, likas-yaman at pag-asa para sa luntiang kinabukasan.![]()
Kaugnay nito, nagsagawa ngayong araw ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ng Provincial Environment and Natural Resources Office, katuwang ang iba pang konsernadong indibidwal, ng pagtatanim ng mga puno ng kawayan sa bayan ng Bulalacao.
Ito ay bahagi pa rin ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa month-long celebration ng 125th Philippine Civil Service Anniversary ngayong buwan ng Setyembre.
