๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—” ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐—  ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—ก๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜

September 18, 2025 | News by PISD

Kaugnay ng patuloy na pagdiriwang ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Summit, mainit na tinanggap at binigyang-pugay ni Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor ang mga DRRM Officers mula sa MIMAROPA sa ginanap na Governorโ€™s Night sa Bulwagang Panlalawigan kagabi, ika-17 ng Setyembre.

Pinangunahan ng Provincial DRRM, sa pamamagitan ni Provincial DRRM Officer Vinscent Gahol at kanyang mga kawani ang gawain na may temang โ€œWhite Partyโ€.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa Gobernador at Pamahalaang Panlalawigan si Marc Rembrandt P. Victore, OIC ng Office of Civil Defense MIMAROPA at Acting Chairperson ng Regional DRRMC, sa mainit na pagtanggap at suporta sa mga programa ng DRRMC sa rehiyon.

Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni Gob. Dolor ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa dedikasyon ng mga DRRM officers at sa walang-humpay nilang serbisyo lalo na sa panahon ng mga kalamidad na ayon sa kaniya ay isang mahirap na trabaho.

Tatlong toast ang pinangunahan ng Gobernador bilang simbolo ng pasasalamat, pagkakaisa, at panalangin para sa mga nasa likod ng DRRM MIMAROPA na sinundan ng pagtatanghal ng ORMECO Band.

Nakiisa rin sa gawain si First Lady Hiyas G. Dolor.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0RteRQ12YRRcahZTmuoakeZDWJEumSdtH8izD5kZeBMvda4nofBmhLJLMg7fNK2zcl?rdid=XCHvADvz2Al6zl90#

Scroll to Top