๐—ฃ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ญ๐—œ๐—œ๐—ฃ ๐—ง๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ฝ

September 17, 2025 | News by PISD

Patuloy ang pag-iikot at pakikipag-ugnayan sa bawat bayan ng Technical Working Group (TWG) ng Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP) upang pormal na iendorso ang Para-Teachers at Government Internship Program (GIP) Interns.

Unang tinungo ng ZIIP TWG ngayong ika-17 ng Setyembre ang bayan ng Gloria kung saan pormal nilang iniendorso ang limang (5) GIP interns kay Gloria Municipal Mayor Teresita M. Ong at Municipal Public Employment Service Office (PESO) Manager Francis Lalo. Kasunod nito, nagtungo rin sila sa Bayan ng Pinamalayan upang personal na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Layunin nito na magkaroon ng kolaborasyon ang Pamahalaang Panlalawigan at ang bawat bayan kung saan ipinatutupad ang ZIIP. Dito, magkatuwang nilang pangungunahan ang on-site monitoring at ebalwasyon sa mga Para-teacher at sa mga mag-aaral ukol sa pagiging epektibo ng programa sa mga ito.

Nakatakda namang matapos ang kanilang pag-iikot sa Ikalawang Distrito sa ika-18 ng Setyembre at isusunod na ring bisitahin ng grupo ang mga Lokal na Pamahalaan sa Unang Distrito.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos na ito, mas mapagtitibay at mas mabibigyan ng importansya ang pagtutok sa pagpapataas ng intelektwal na kapasidad ng mga katutubo na isa sa itinuturing na prayoridad na programa ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor.

#TheCapitolNews

๐Ÿ“ธ: Nikki Rose Hernandez

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02tQS3CYYuMzJmmkbmpkvP1NFdEA4rJvcSQiwNPsRSbPueqLhPKmMR2GstFcjcxwppl

Scroll to Top