September 17, 2025 | News by PISD

Bilang tugon sa patuloy na hamon ng pagbabago ng klima at mga kalamidad, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang kauna-unahang MIMAROPA Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Summit 2025 sa Bulwagang Panlalawigan ng Kapitolyo ng Oriental Mindoro.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pamumuno ni Gobernador Humerlito โBonzโ Dolor, katuwang ang Provincial DRRM Office (PDRRMO) sa pamumuno ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol, ang summit ay nagtipon ng mahigit 300 Local DRRM Officers mula sa mga lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Office of Civil Defense (OCD) MIMAROPA OIC Marc Rembrandt P. Victore ang buong suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagsasakatuparan ng summit. Aniya, layunin ng aktibidad na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensya sa pagtugon sa sakuna, ibahagi ang makabagong istratehiya sa disaster preparedness, response, at recovery, at itaguyod ang partisipasyon ng komunidad upang maging mas matatag laban sa panganib ng kalamidad.
Nagbigay rin ng mensahe sina Occidental Mindoro Board Member at SP Committee Chair on DRRM Roderick Agas at Gloria MDRRM Officer John Surat, Presidente ng Oriental Mindoro DRRM Officers and Practitioners Association.
Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang talakayan hinggil sa Magna Carta for DRRM Workers, mga bagong guideline sa pag-uulat ng apektadong mamamayan at pre-emptive evacuation, presentasyon ng Project Moses, at pagpapakita ng best practices mula sa ibaโt ibang lalawigan ng MIMAROPA.
Nagkaroon rin ng exhibit ng rescue at DRRM equipment at Mini Trade Fair ng mga produktong gawa sa Oriental Mindoro.
Ang summit ay nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng disaster resilience ng rehiyon, patunay ng mas pinagtibay na ugnayan ng mga DRRM practitioners tungo sa mas ligtas at handang MIMAROPA.
