September 17, 2025 | News by PISD

Pinasinayaan ngayong araw ang bagong gusali na magsisilbing Admin. Bldg. ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Calapan City District Jail sa Barangay Sapul, Lungsod ng Calapan.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang ribbon cutting ceremony ng proyekto katuwang sina Acting District Jail Warden JSINSP Rodante P. Cayabyab, BJMP MIMAROPA Assistant Regional Director for Operations JSSUPT Ray L. De Luna, at BJMP Provincial Administrator JSINSP Nelmar M. Malimata.
Ang naturang gusali ay kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa BJMP bilang suporta sa pagsasaayos sa kalagayan ng mga inmates sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dagdag na pasilidad para sa operasyon ng Calapan City District Jail.
โAng pagsusumikap at pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at BJMP para sa reformation at pagsasaayos ng ating mga kapatid ay isang krusado, misyon at bokasyon na pagtutulungan natin, dahil higit sa istruktura ay ang diwa ng pagkakaisa ang unang tutulong sa kapwa Mindoreรฑo,โ ang mensahe ni Gob. Bonz.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng BJMP sa Pamahaalaang Panlalalawigan dahil sa patuloy na suportang ipinagkakaloob para sa pagpapalakad ng Calapan City District Jail.
