๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ-๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

September 15, 2025 | News by PISD

Isang makabuluhang araw sa Kapitolyo ng Oriental Mindoro ngayong Setyembre 15, 2025, matapos pangunahan ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ Dolor ang pagkilala at pasasalamat kay Provincial Treasurer Annabelle M. Gardoce sa kanyang 42 taon ng tapat na paglilingkod sa pamahalaan. Sa regular na flag raising ceremony, ipinagkaloob ang Plaque of Recognition bilang simbolo ng taus-pusong pasasalamat at respeto sa kanyang dedikasyon sa serbisyo publiko.

Kasama sa seremonya sina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio Turano at mga hepe ng iba’t ibang tanggapan, na nagbigay-pugay hindi lamang sa kanyang karera kundi pati sa kanyang personal na pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Isa-isang bumati ang mga department head at nagbigay ng mga regalo, nagpapakita ng pagmamahal at pagkakaisa ng buong Kapitolyo.

โ€œAko, kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan, ay taos-pusong nagpapasalamat sa serbisyo at pagmamahal mo sa bayan Tita Abel. Sa iyong pagreritiro, baunin mo nawa ang aming respeto at pagmamahal. Makakaasa po kayong ipagpapatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ang mabuti ninyong nasimulan.โ€

Isang inspirasyon si Tita Abelle sa mga kawani ng gobyernoโ€”patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa tagal ng paglilingkod kundi sa puso at malasakit sa sinumpaang tungkulin.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02qnxYggNbZ8v5fkfkDWe7qrQWMn36SKczMZYMiyHARHEPVK44i3qvt3umxHmiW923l?rdid=iIYIZzY18OdbYvEK#

Scroll to Top