September 15, 2025 | News by PISD

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito โBonz A. Dolor, kasama sina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano, Executive Judge Hon. Josephine Caranzo at Integrated Bar of the Philippines (IBP) โ Oriental Mindoro President Atty. Charlotte Aguba Goco, ang pagkakaloob ng IBP Golden Pillar of Law Award sa mga natatanging kasapi ng IBP โ Oriental Mindoro Chapter. Ang gawain ay kasabay sa isinagawang regular na flag raising ceremony sa Kapitolyo ngayong araw.
Ang IBP Golden Pillar of Law Award ay pambansang pagkilala sa mga abogado na naglingkod nang 50 taon o higit pa na nagpakita ng natatanging serbisyo at dedikasyon at patuloy na nagtaguyod sa mga pangunahing adhikain ng batas, ang katarungan, integridad at tuntunin ng batas.
Kinilala at tumanggap ng award sina Atty. Renato V. Leviste, Atty. Samuel R. Bautista at Atty. Edgardo Aceron na nagpakita ng natatanging kontribusyon at walang sawang paglilingkod sa kanilang propesyon sa loob ng mahigit 5 dekada.
Pagbati ang ipinaabot ni Governor Bonz sa aniyaโy ilan lamang sa pinakamahuhusay na abogado ng lalawigan. Masaya siya, aniya, na makita ang mga ito na nasa 85 taong gulang na. โNawa ay pagkalooban kayo ng higit pang mga taon ng makabuluhang pamumuhay at manatiling inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ang inyong mga napanagumpayan,โ pahayag pa ni Governor Bonz.
Samantala, kabilang din sa mga pinarangalan sina Atty. Miguel Anzaldo, Atty. Lilia Calabocal., Judge Recto Calabocal, Atty. Sancho Ferancullo, Atty. Lamberto Hornilla, Judge Tomas Leynes, Judge Manuel Luna, Atty, Gaudencia Sadicon, at Atty. Herminio Tolentino.
Ang nasabing parangal ay isa sa mga tampok na gawain sa paggunita ng Rule of Law Month ngayong Setyembre na naglalayong palawakin ang kamalayan ng publiko at isulong ang paggalang sa mga alituntunin ng batas at katarungan.
