๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป: โ‚ฑ๐Ÿฎ๐Ÿฌ/๐—ž๐—ถ๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—•๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€, ๐—›๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ผ๐˜€

September 13, 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr., isinagawa ang isang araw na pagbebenta ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa halagang P20 kada kilo, sa pangangasiwa ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO).

Sa isinagawang aktibidad, naitala ang kabuuang 25,534 kilo ng bigas na naipagbili, katumbas ng halagang Php. 510,680.00. Umabot naman sa 2,619 indibidwal ang kabuuang bilang ng mga nakinabang batay sa opisyal na tala ng pagpaparehistro.

Magkakasamang pinangasiwaan ang gawain ng Office of the Governor, Provincial Administratorโ€™s Office at PAgO at buong-pusong sinuportahan ng mga kawani ng ibaโ€™t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ng kani-kanilang mga hepe.

Layunin ng aktibidad na maipadama ang malasakit ng pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang hakbang na ito ay simbolikong katuparan ng pangako ng Pangulo na gawing abot-kaya ang presyo ng bigas para sa bawat pamilyang Pilipino.

Maraming residente ang pumila upang makabili ng murang bigas, at ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat sa pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Ang lalawigan ng Oriental Mindoro ang may pinakamalaking alokasyon sa bansa na may 600 kaban ng NFA rice para sa naturang aktibidad.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0KADhsTrFVuqWhsqGFQYZNnF5bEFeoDmN3S3QkGvm8puc7oagMZgukLSAKgKwcrtal?rdid=0bFza2PN7HzVMWJd#

Scroll to Top