September 13, 2025 | News by PISD

Matagumpay na isinagawa ang Job Fair ngayong ika-13 ng Setyembre 2025 sa Mangyan Hall ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro .
Layunin ng aktibidad na magbigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga kababayan na mas mabilis makahanap ng trabaho. Pinangunahan ito ng Department of Labor and Employment katuwang ang Provincial Public Employment Service Office.
Nasa 173 mga aplikante mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya ang nagparehistro bilang jobseekers, at 68 sa kanila ang na-hire on-the-spot.
Anim na mga kumpanya naman mula sa loob at labas ng Oriental Mindoro ang nag-alok ng mga trabaho mula sa iba’t ibang industriya kabilang ang FCN Ormin Distribution, J&T Express, PKI Manufacturing & Technology (PKIMT), Jollibee at iba pa.
