September 13, 2025 | News by PISD

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Governor Humerlito โBonzโ Dolor, sa Nationwide Culminating Event ng Serbisyo Caravan ng Pamahalaang Nasyunal na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan, Lungsod ng Calapan.
Ang nasabing aktibidad ay tampok na bahagi ng pagdiriwang ng ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. ngayong araw.
Nagpaabot ng pasasalamat si Gob. Bonz kay Pangulong Marcos sa patuloy na pagbibigay ng ibaโt ibang programa at tulong para sa mga Mindoreรฑo.
Ipinagmalaki rin niya na ang Oriental Mindoro ang may pinakamalaking alokasyon ng ibebentang P20/kilo na bigas sa buong bansa na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Bilang kinatawan ng Pangulo, nagpaabot si DOH Undersecretary Atty. Randy B. Escolango ng taus-pusong pasasalamat sa PGOM at sa lahat ng national government agencies (NGAs) sa MIMAROPA na lumahok sa caravan.
Samantala, pinangunahan nina USEC Escolango at Gob. Bonz, kasama ang Regional Directors ng NGAs ang pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan sa mga magsasaka at mangingisda, tulong pang-edukasyon sa mga kabataang estudyente at iba pang benepisyo para sa piling sektor.
Nakiisa rin sa gawain sina Vice-Governor Antonio โJojoโ S. Perez, Jr., Board Member Ryan Arago at Board Member at PCL President Marion Marcos.
Kabilang sa mga ahensyang nagbigay ng serbisyo ang DTI, DOLE, CHED, DA, BFAR, DOH, TESDA, DICT, PSA, DSWD, SSS, Pag-ibig Fund, DENR at Philhealth.
Sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan, muling pinatunayan ng pamahalaan ang layunin nitong dalhin nang mas malapit sa mamamayan ang mga programa at serbisyong makatutulong sa pagpapabuti ng kabuhayan at kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.
