Aahon, basta mayroong KabRiton

September 12, 2025 | News by PISD

Mabuhay MaHal TaNa Mindoreños!

Ang aming opisina ay nag-monitor ng ating mga Kabuhayan sa Kariton (KaBriton) Beneficiaries na nabigyan mula sa unang distrito ng Oriental Mindoro.

Layunin nitong bigyan ng panimulang pag-asenso ang ating ilang mga Mindoreño.

Ito ay isang uri ng Kariton na kung saan nagbibigay-kabuhayan katulad ng pagtitinda ng mga sumusunod: meryenda, kakanin, gulay, prutas, o maliit na sari-sari store. Sila ay umiikot sa kani-kanilang Barangay at maari ring sa karatig pang ibang barangay. Nagsisilbi itong sandalan para sa kanilang hanapbuhay, at pangtustos sa kanilang pang-araw-araw.

”Bawat padyak sa ating buhay ay siyang hahatak sa atin patungo sa inaasahang tagumpay.”

~Mag-iingat po tayo palagi sa ating paghahanapbuhay, mga kapwa ko Mindoreños

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid02sWLf37BWNVUsAWcfzTyBLsgXZTAbV1nNwmy8jjiAuHLFzXw5fqmbCRHwAKV5TjJ5l?rdid=VkTBUQAbKhbuac1v#

Scroll to Top