September 12, 2025 | News by PISD

Nagkaisa ang mga kawani ng ibaโt-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagre-repack ng Php20/kilo na bigas bilang pagsuporta at pakikiisa sa nakatakdang isagawa na Serbisyo Caravan bukas, ika-13 ng Setyembre.
Ito ay isa sa mga gawain kaugnay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na sabay-sabay na isasagawa sa ibaโt- ibang panig ng bansa, bukas, Sabado, 13 Setyembre.
Tutulong ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbebenta ng P20/kg ng bigas ng National Food Authority (NFA) sa unang 3,000 indibidwal na mamimili na magsisimula bukas, ika-8:00 ng umaga sa loob ng Kapitolyo. Maaaring makabili ng hanggang tig-10 kilo lamang ang bawat indibidwal.
Pinangasiwaan ng Provincial Agriculturistโs Office (PAgO) ang pamamahagi at pagre-repack ng may 600 kaban ng NFA rice sa ibaโt -ibang tanggapan sa Kapitolyo. Ang lalawigan ang may pinakamaraming alokasyon ng bigas na ibibenta sa murang halaga sa mga mamamayang lubos na nangangailangan nito.
