๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ƒ๐ž๐ฉ๐ฎ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐„๐๐‘๐Ž๐ฌ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š

September 12, 2025 | News by PISD

Matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na Training for the Deputation of Environment and Natural Resources Officers (DENROs) sa lalawigan na pinangunahan ng Provincial Government โ€“ Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) mula Setyembre 10 – 12 sa Mitchellโ€™s Park Resort, Barangay Managpi, Lungsod ng Calapan.

Ayon kay OIC-PG-ENRO EnP. Lily May E. Lim, layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga myembro ng Task Force on All Forms of Mining (PTaFoM) at Provincial Task Force on Anti-Charcoal Transportation (PTFACT) kung saan chairperson ng mga ito si Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor. Kabilang naman sa mga kasapi ang mga Municipal/City Environment and Natural Resources Officer, Provincial Legal Office, DENR-PENRO, CENRO, DA BPI-Plant Quarantine System, PNP-OrMin-PPO, Philipine Army, PPA, Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang konsernadong ahensya.

โ€œGusto nating mapataas ang antas ng kaalaman at kakayahan ng ating mga local ENROs upang maging katuwang sa pagpapalawig ng kaalaman at pagpapabatid ng mga umiiral na polisiya sa ating lalawigan tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.โ€

Ayon pa kay EnP. Lim, matapos ang pagsasanay, inaasahan ang aktibong pakikilahok ng bawat isa para sa pagpapatupad ng environmental laws sa Oriental Mindoro. Aniya pa, kinakailangan din ang karagdagang pagsasanay at makapagsumite ng iba pang rekisitos upang ma-deputize bilang mga DENROs.

Samantala, naging tampok din ang presentasyon ng mga kalahok para sa case scenario simulation na nagpapakita ng wastong pamamaraan ng apprehension sa mga lalabag sa mga umiiral na environmental laws.

Nagsagawa rin ng action planning upang magkaroon ng iisang tunguhin ang mga programang ipatutupad at maisiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at alituntuning pangkalikasan sa lalawigan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0Jcz9pjdoprydYs6CQqrjjnSf5bZrabJFTpfMawstwRxrjmoLW5uUzgZ4ED7JwZVyl?rdid=QFCKKj3DDOZaAl8D#

Scroll to Top