September 12, 2025 | News by PISD

Bilang bahagi ng adbokasiya sa pagpapalaganap ng kultura ng kahandaan sa kalamidad, nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong Setyembre 11, 2025 sa Bulalacao Municipal Hall.
Pinangasiwaan ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol.
Ayon kay PDRRMO Gahol, mahalaga ang ganitong mga aktibidad upang matiyak na ang mga komunidad ay may sapat na kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga kalamidad gaya ng lindol. Bahagi rin ito ng direktiba ni Governor Humerlito โBonzโ Dolor na gawing resilient ang mga pamayanan sa lalawigan.
Nagpaabot ng pasasalamat sina Mayor Lumel Cabagay at Vice-Mayor German Acosta sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagpili sa kanilang bayan bilang venue ng NSED, na nagsilbing pagkakataon upang mas mapalakas ang kapasidad ng Bulalacao sa disaster preparedness.
Sa pagsisimula ng drill, sabay-sabay na isinagawa ng mga kalahok ang โduck, cover, and holdโ bilang unang tugon sa senaryong lindol. Sinundan ito pag-set up ng command post, medical post at iba pang kaugnay na operasyon. Ipinakita rin ang ibaโt ibang simulation ng rescue operations kabilang ang high angle rope rescue sa dalawang indibidwal na na-trap sa ikalawang palapag ng munisipyo, pag-apula ng sunog sa isang bahagi ng gusali at pagresponde sa looting incident sa loob ng munisipyo.
Kabilang sa mga tumugon sa drill ang mga personnel mula sa PDRRMO, MDRRMO, Bureau of Fire Protection, Municipal Health Office, Bulalacao Police Station, Mobile Force Company, Special Action Force, 4th Infantry Battalion ng Philippine Army, MHO, MSWDO, BHW at barangay police ng Brgy. Poblacion.
Nakiisa rin sa aktibidad si DILG Provincial Director Frederick C. Gumahol, Bulalacao SB Chairperson, Committee on DRRM Engr. Moises Osorio, mga kinatawan ng Provincial DOH at PIO.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng NSED sa Bulalacao ay patunay ng mas pinatibay na koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan sa layuning mapanatili ang kaligtasan ng bawat Mindoreรฑo.
