September 11, 2025 | News by PISD

Malawakang tulong at serbisyo ang ihahatid ng Pamahalaan sa mga mamamayang Mindoreรฑo sa isasagawang Serbisyo Caravan, isang programa ng Pamahalaang Nasyunal at pangungunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM), sa pamumuno ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor.
Bilang paghahanda sa nasabing programa na idadaos sa ika-13 ng Setyembre, nagsagawa ng pagpupulong ang PGOM noong ika-10 ng Setyembre na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II bilang kinatawan ng Gobernador, at ni Johanna Alejo mula sa Presidential Management Staff (PMS), kasama ang ibaโt ibang National Government Agencies (NGAs) sa rehiyon, at mga hepe ng mga departamentong kabilang sa mangunguna sa nasabing programa.
Magkakaroon ng one-day caravan ang mga NGAs sa MIMAROPA katuwang ang PGOM, kung saan sama-sama nilang ihahatid ang mga programa at serbisyo ng gobyerno.
Pangunahing serbisyo ang โRice for Allโ na pangungunahan ng Department of Agriculture (DA), kasama ang Provincial Agriculturistโs Office (PAgO) na pinamumunuan ni Provincial Agriculturist Christine Pine.
Handog ng programang ito sa mamamayan ang 20 pesos bawat kilo na presyo ng bigas para sa unang 3,000 mamamayan na maaaring bumili ng hanggang 10 kilo bawat indibidwal.
Nakalaan dito ang 600 na kaban ng bigas na mula sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng PhilRice Los Banos, sa pamumuno ni Direktor Remelyn Z. Relado- Sevilla, DA, katuwang ang PGOM,Provincial Coordinator Rovick Manay, mga Municipal Agriculturistโs Office, at iba pang rice coordinators.
Bukod dito, handog ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Mobile Acceptance Services para sa mas mabilis na pag-access ng mga dokumentong tulad ng IDs, Birth Certificates, Marriage Certificates, at iba pa.
Magsasagawa rin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng libreng registration at pag-aupdate ng mga dokumento tulad ng Member Data Record (MDR), IDs, at iba pa. Magsasagawa rin ang ahensya ng orientasyon para sa kanilang mga programa kabilang ang Yaman at Kalusugan Program (YAKAP) ng Pamahalaan.
Orientasyon sa paggamit ng EGovPH App, at iba pang serbisyo ang handog naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para makatulong sa mamamayan upang madaling ma-access ang mga mahahalagang personal na dokumento online.
Mag-aalok din ng Business registration, Barangay Micro Business Enterprise (BMBE) registration, at iba pang serbisyo ang Department of Trade and Industry (DTI) sa nasabing araw para sa mga negosyo sa lalawigan.
Paglilingkuran naman ng Department of Health (DOH) ang mamamayan katuwang ang Provincial Health Office (PHO) sa pamumuno ni Dr. Cielo Angela Ante, para sa mga serbisyong may kinalaman sa kalusugan.
Samantala, mamimigay ang Commission on Higher Education (CHED) ng educational subsidy sa 648 mag-aaral at benepisyaryo mula sa Mindoro State University- Calapan Campus.
Makikiisa rin sa gawain ang mga ahensya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Health (DOH), Department of Agrarian Reform (DAR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Social Welfare and Development (DSWD) , at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Inaasahang libu-libong mamamayan ang makikinabang at makikilahok sa nasabing aktibidad na gaganapin sa Provincial Capitol, Calapan City.
