September 9, 2025 | News by PISD

Sa harap ng Sangguniang Panlalawigan, nagtipon ang mga mamamayan ng Bayan ng Baco bitbit ang iisang layuning personal na ihayag ang kanilang mariing panawagan na ituloy ang dredging sa kanilang lugar.
Pinangunahan nina Mayor Allan Roldan, Vice Mayor Eric Castillo, mga Sangguniang Bayan Members, at mga kinatawan mula sa ibaโt ibang sektor ang nasabing pagtitipon kasama ang mga mamamayan mula sa ibaโt ibang barangay ng Baco na nagtiis ng matinding sikat ng araw maiparating lamang ang kanilang apela.
Iginiit ng mga mamamayan ng Baco na huwag silang isama sa pansamantalang suspensyon ng dredging sa buong lalawigan sapagkat ito lamang ang tanging nakikita nilang solusyon sa matagal na nilang suliranin sa malalang pagbaha, na taun-taon nilang kinakaharap.
โAng aming bayan ay patuloy na namomroblema pagdating sa baha. Kung ito [dredging] ay susupendihin at hindi agad-agarang matutuloy, ang aming bayan ay patuloy na maghihirap, at ang aming mamamayan ay patuloy na masasadlak sa kahirapan.โ, mariing pahayag ni Mayor Roldan.
Dagdag pa niya, halos lahat ng mamamayan ng Baco ay sumusuporta sa proyektong ito dahil nakikita nila ang malinaw na benepisyo nito na poprotekta sa kanilang kabuhayan, magpapanatili ng seguridad sa kanilang kaligtasan, at magbibigay ng pag-asa para sa mas maayos nilang kinabukasan.
Ito ang nag-udyok sa kanila upang personal na manawagan sa Pamahalaan na dinggin ang kanilang daing matapos mabalitaan ang pansamantalang pagsuspende ni Gobernador Humerlito โBonzโ A. Dolor sa dredging sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro upang higit pang mapag-aralan ito bilang tugon sa agam-agam ng mga mamamayan patungkol sa proyekto.
Bilang tugon sa panawagan ng Baco, ipinasa ng 12th Sangguniang Panlalawigan sa ginanap na 10th Regular Session ang โResolution Supporting the Call Of The People of Baco, Represented By Municipal Mayor Allan Roldan, And The Sangguniang Bayan Headed By Vice Mayor Eric Castillo, Together With Barangay Officials And Representatives In Different Sectors In Their Appeal To Governor Bonz Dolor To Review, Assess, And Re-evaluate The Suspension Of The Notice to Proceed (NTP) Of The River Restoration Program For The Rivers In the Municipality Of Baco, Subject To Compliance With All Existing Laws, Rules And Regulations.โ
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Roldan at umaasa siyang sa pamamagitan nito ay matutuloy na ang proyekto ng river restoration sa kanilang bayan.
