๐—™๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ

September 9, 2025 | News by PISD

Pansamantalang ipahihinto ang mga kasalukuyang ipinagagawang flood control projects sa lalawigan upang pag-aralan muna ang construction methods nito ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa kanyang pagbisita sa lalawigan. Dito, magkakaroon ng joint assessment ang Pamahalaang Panlalawigan at DPWH upang sa paraang ito ay maibalik ang kooperasyon ng Local Government Units (LGUs) sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan at magkatuwang na labanan ang korapsyon.

Ibinalita ni Sec. Dizon na bumubuo na ng isang Independent Commission si Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. na silang kakatawan sa independent body na ang tanging gagawin ay masusing imbestigahan ang mga taong nasa likod ng maanomalyang flood control projects ng DPWH. Bibigyan ang mga ito ng pangulo ng kapangyarihan na gawin ang kanilang buong husay upang matukoy ang lahat ng mga sangkot sa anomalyang ito.

Marami namang problema at kakulangang nakita si Sec. Dizon sa implementasyon ng flood control projects sa lalawigan ng Oriental Mindoro matapos siyang personal na mag-inspeksyon ngayong ika-9 ng Setyembre sa Barangay Tagumpay at Apitong sa Bayan ng Naujan kasama si Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor.

Isa sa kanilang binisita ang halos Php. 3B halaga ng flood control project sa Barangay Tagumpay, Naujan. Ayon sa tala ng DPWH, ang proyekto ay โ€œcompletedโ€ na o tapos na ngayong taon subalit patuloy pa rin ang konstruksyon ng naturang proyekto. Tumambad naman kina Gob. Dolor at Sec. Dizon ang aktwal na sukat ng sheet pile na nakabaon sa lupa. Ayon sa nakasaad sa masterplan, 12 metro ang dapat na lalim ng pagkakabaon nito ngunit ng hukayin at sukatin ito ng mano-mano ni Gob. Dolor at Sec. Dizon, nakita ang halos tatlong (3) metro lamang na haba nito.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Sec. Dizon na sa tagal na niya sa serbisyo-publiko, ngayon lamang siya nakakita ng ipinagagawang proyekto na walang building permit, environmental clearance certificate at quarrying permit. Bukod dito, wala din aniyang demolition permit ang mga ito sa pagsira sa gabion dike na ipinagawa ng Pamalahaang Panlalawigan malapit sa mismong pinagtayuan ng proyekto.

Kataka-taka naman at tila ba isang palaisipan ang isa pang kaparehong proyekto sa Sitio Dike, Barangay Apitong sa bayan pa rin ng Naujan, dahil sa kawalan ng nakatayong estruktura dito gayong โ€œcompletedโ€ na ang status ng proyekto.

Kailangan aniyang magpaliwanag sa kanya ni dating DPWH Regional Director Gerald Pacanan upang alamin ang buong katotohanan sa likod ng bilyong pisong halaga ng mga proyektong ito sa lalawigan na kaagad nasira pagkaraan lamang ng ilang taon.

Dalawang bagay naman ang ibinahagi ni Sec. Dizon na magiging tugon ng kanyang tanggapan sa malaking isyung ito sa bansa. Una, lahat aniya ng sangkot na opisyal ng pamahalaan at kontraktor ay pananagutin. Ikalawa, pag-aaralan kung maaaring ang lalawigan na ang magtutuloy ng mga proyektong kontra baha ng DPWH.

Isiniguro naman ni Gobernador Dolor na nakahanda ang Pamahalaang Panlalawigan na makipagtulungan sa Pamahalaang Nasyunal sa imbestigasyon ukol dito upang masiguro na ang pondo ng bayan ay nagagamit ng tama para sa kapakanan ng nakararami.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid0NYUEmf7Fn9unAsotVXGJxMrgNwdVjnoQc8B7x6QWobUVLPx1PNMe4nK7GDRuxXEsl

Scroll to Top