Anti-Corruption Czar, Pinuri ang Lokal na Opisyal na Lumalaban sa Anomalya sa Flood Control Projects

September 8, 2025 | News by PISD

Pinangalanan ng Philippine Anti-Corruption Czar sa pangunguna ni Chairman Dr. Louie F. Ceniza ang mga lokal na opisyal na nagpakita ng katapangan sa paglaban sa mga katiwalian sa pamahalaan partikular sa usaping maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Isa sa itinuturing ngayong huwaran si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor matapos ilantad ang mga proyekto kontra baha sa lalawigan ng Oriental Mindoro na kaagad nasira kahit na wala pang isang taon. Kabilang din dito ang pagkakalantad ng ilang ghost projects na sa tala ng DPWH ay completed na o tapos na ngunit wala itong pisikal na estruktura.

Nananawagan din si Chairman Ceniza sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na magkaisa sa paglaban sa korapsyon.

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid024bhPB1atzCWUZ2pxBtw8yWs1oWKodiKmV4erc1fAiKDN625YDtS8yUnKftgLGpobl?rdid=copRKOqQ9Yjw7DHX#

Scroll to Top