September 8, 2025 | News by PISD

Humarap ngayong araw si Gobernador Humerlito โBonzโ Dolor sa Senado kaugnay ng mga reklamong iregularidad sa implementasyon ng ibaโt ibang flood control projects sa lalawigan.
Ipinakita ni Gobernador Humerlito โBonzโ Dolor ang mga dokumento at mga litrato ng mga proyekto na pinondohan ng pamahalaan na ngayon aniyaโy naging simbolo ng panghihinayang ng mga mamamayan dahil sa salaping inilaan sa mga proyektong nasayang. Panlulumo dahil sa umanoโy substandard, over-priced at kulang-kulang na pagkakagawa sa mga proyekto na nagreresulta sa dagdag na pinsala at pahirap sa mga mamamayan tuwing bumabaha.
Inihayag niya ito sa harap ni Senador Rodante Marcoleta, Chairperson ng Blue Ribbon Committee at sa iba pang mga senador at konsernadong indibidwal na kaisa sa isinasagawang Public Hearing sa Senado.
Ayon sa Gobernador, sa kabila nito ay tinatanaw pa rin niya ang pag-asa na sa pamamagitan ng imbestigasyon ng Senado, matuldukan ang maling pamamalakad at agarang maisaayos ang proyektong tunay na magbibigay proteksyon sa mga mamamayan ng lalawigan at ng bansa.
Video Courtesy: Senate of the Philippines
Source: https://www.facebook.com/watch/?v=1529085825170565&rdid=SkrPGKTM69tLM19D
