September 4, 2025 | News by PISD

Isinagawa ang โPeopleโs Dayโ sa bayan ng Gloria kung saan namahagi ng ibaโt-ibang ayuda at serbisyo ang mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Isa sa mga naging tampok na gawain ang pagpapasinaya ng newly renovated Punzalan Gymnasium sa pamamagitan ng isang pormal na blessing at pagbubukas, sa pangunguna ni Governor Bonz Dolor.
Ang proyekto ay bahagi ng โOne Town, One Legacyโ initiative ng administrasyon ni Governor Dolor sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.
Ito rin ay kabilang sa mga unang aktibidad para sa 75-day countdown ng โFiesta MahalTana: The 75th Founding Anniversaryโ ng lalawigan, na gaganapin sa Nobyembre 15.
Kabilang naman sa gawain ang pamamahagi ng financial assistance ng PSWDO sa mga kwalipikadong mag-aaral. Pinangunahan naman ng PPESO ang pagkakaloob ng mga printer sa anim (6) na malalaking pansekondaryang paaralan, kumpletong set ng sports equipment sa limang (5) paaralang elementarya, at mga libro para sa apat (4) na Senior High Schools.
Nagkaloob din ang PGOM ng kabuuang Php212,000.00 na financial assistance para sa 28 mag-aaral sa Senior High School, 60 mag-aaral sa Junior High School, at mga estudyante mula sa kolehiyo.
Bukod pa rito, tumanggap ang 30 high school students ng kabuuang Php60,000 sa ilalim ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP).
Patuloy naman ang assessment ng PPESO at PSWDO para sa karagdagang 700 estudyante sa kolehiyo na maaaring mabigyan ng tulong.
Namahagi rin ang Provincial Health Office (PHO) ng 162 toilet bowls sa mga benepisyaryo mula sa 27 barangay ng Gloria.
Samantala, nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng pagkain tulad ng bigas, de-lata, at iba pang pangunahing pangangailangan sa unang 2,000 pamilya at 100 kaban ng bigas para sa tanggapan ni Gloria Mayor Tessie Ong upang maipamahagi sa mga nangangailangang Gloriano.
Bilang dagdag na suporta ni Governor Dolor sa bayan, inanunsyo rin niya ang nakatakdang pamamahagi ng Php1.5 milyon bawat barangay para sa mga proyektong pang-barangay. Bukod dito, magbibigay rin ang PGOM ng jetmatic pumps at karagdagang 200 bags ng semento para sa mga barangay, gayundin ng kompletong set ng sports equipment para sa lahat ng Sangguniang Kabataan (SK) sa 27 barangay ng Gloria.
Nagpaabot ng taus-pusong pasasalamat si Mayor Tessie Ong kay Governor Dolor sa walang sawang suporta nito.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad sina Board Member Roland Ruga, BM Atty. Fay Ilano-Navarro, BM Ryan Arago, at PCL Ex-Officio Member Bokal Marion Marcos.
