September 4, 2025 | News by PISD

Ininspeksyon ni Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor, kasama si Provincial Engineer Edylou B. Tejido, ang isang Flood Control Project sa Barangay Buong Lupa, Gloria ngayong araw.
Inumpisahan ang naturang proyekto noong 2022 at natapos noong 2023 ayon sa mga residente. Tinatayang nasa 325 metro ang kabuuang haba ng naturang proyekto, ngunit sa di alam na kadahilanan, matapos itong sukatin ng mga kawani ng Provincial Engineering Office, nasa 186 metro lamang ang aktwal na sukat nito.
Ayon kay Gob. Bonz, mahalaga ang pagkakaroon ng mahigpit na ugnayan sa lokal na pamahalaan sa implementasyon ng mga programang kontra baha at dapat na naaayon ang mga ito sa Flood Mitigation Master Plan ng lalawigan upang tunay na mapakinabangan ng mga mamamayan.
